Igor
Ayoko talaga sa lahat eh yung pag ako ang pinagdedeliver ni tatay ng mga bilao nya na may bigas. Natutuwa ako kase medyo training na din. Pero, my friend, I say to you, nakakahiya lalo na pag nakikita ka ng mga tao dito sa Bonggang Villa. Pero eto pa rin ako naglalakad, magdedeliver, kase wala akong ibang magawa.
Carlito
Nasaan ako? Bakit di ko alam ang nangyayari sakin? Sino ako at anong ginagawa ko dito? Ano bay an. Di kasi ako nag-aral e. Di ko tuloy alam.
Luisito
At eto na naman sa umaga at ang mga batugang mga residente sa Bonggang Villa ay gumigising. Tuwang-tuwa naman ang mga tanga pag nasabihan ng isang malakas na ‘GOOOOOD MEEEWWWRNIIING!’ para pampagising. Ano ba yan? Kaya nga nanjan mga tiktilaok nyo mga kuya e. Para pang gising.
Toni
Ano ba to. Duuude. Hassle. Ang aga aga tapos andami na agad tao sa kalye? Pano pa ko makakapaglaro nito? Kelangan ko pa naman ng malaking field for practice, and it’s like, you know, really really hot today. And add to that, it’s still so early so wala pa kong breakfast. Gahh. This is disgusting.
Ping
At aba. Kasisikat pa lang ng araw e gising na ang mga bunganga ng Bonggang Villa. Nakakabanas lang mga tsismis dito e. Dibale makapaglakad lakad muna. …Teka. Ano daw? …Ako yun a! Gago tong mga to. Pinaguusapan ako a. Aba. Kala nila maangas na sila a. Deputa.