Chapter 5

Sa nakagugulat na pagsambulat ng oras sa kanilang paligid, hindi namalayan ng ating mga hero ang pagyabong ng panibagong muhing magibibigay daan sa pagsilang ng bagong malupit na hero. AS IN.

Kilalanin natin si Doraemon. Isa siyang pinagdikit na bolang nilagyan ng linya upang bigyang anyo ang kanyang mukha. Hindi mo sukat aakalain na siya si Doraemon kung prehistoric ang pagiisip mo. Pero binibigyan na kita ng clue sa kwentong ito kung sino sya. Pero dito palang maguumpisa ang kwento at magtatapos ang walang-humpay (meron na!) na chika.

Sa paglalakbay ng tatlong dinosaur--lipad doon, liapd dito--napansin nila ang isang makatawag-pansing balangay ng mga tao sa lupa. Hindi nagtagal at hindi napigilan ni Baby Bop na umepal (instinct ata) at sabihin sa kanyang magyk Carpet, "Five miles south, Blankeeey."

Dahilan upang magising si Barney habang sila'y bumubulusok pababa sa kakila-kilabot na five square miles per millisecond (oha). "Salta.", sambit ni Baby Bop na nagpatigil sa kanila, one picometer sa taas ng soccer ball ng yumaong si Toni na nilalaro nila Luisito.

"Sino kayo? Epal naman eh -bleeehehehe-" ani Carlito. "Yaan mo na yan, kuya Carl. Wala tayong laban ngayon kasi wala si kuya Igor. Niyahahaha..." busalsal ni Luisito. Nainsulto si BJ dito at matapos magkamot nga kanyang buntot papunta kay Luisito ay sinigawan nya ito, "What are you trying to insinuate, you bastard? Huh? Perhaps you would like to settle this with a test of intelligence?". Pa-demure namang sinagot ito ni Luisito, "Ah, eh. Hindi na po kailangan nya aking kaibigan. You come in peace, alam ko po yun. Pero pinigilan ko lamang naman ho ang maaaring mangyari kung tuluyang nagalit ang kaibigan kong si Carlito. Peace ho tayo. Kuha mo? Niyahahaha..." habang ang tinutukoy ay sinimulan ng gumawa ng alchemy circle na sinira na lamang ni Luisito. Narinig ito ng natutulog sa lilim ng puno ng Durian na si Ping. "AWAY?! P****** I** ano to? May away ba? Mga g*** kayo ah, may natutulog dito eh. Ang ingay nyo am****!" ,sabay balik nito sa pagkakahimbing.

PERO nagising siya nang may kakaibang simoy na bumulusok sa kanyang nanunulis na nguso. "!@#$%^%&*() Anong amoy yon? &^&^%$^%$#@ kadiri!" Sabay tayo nito.

Naamoy ito ng iba pang nasa eksena at biglang napasuot ng kanyang cloak si BJ at naglabas ng sickle habang si Baby Bop naman ay naginstantaneous bop to the spontaneously transforming Yellow Blankeey. Si Barney ay nakasmile lang (shwining). Napakapit naman si Luisito kay Carlito at sabay silang natumba sa pagguho ng nakapitang balikat ng kaibigan. Mabilis ang pangyayari. Napatayo si Ping at natakot ang lahat nang lumabas ang malaking number sa lilim ng puno. Nang maliwanagan ng silahis ng araw ang kanyang anyo, nakita nilang ito ay isang pusa. "Ako nga pala si Doraemon." ,pakilala nito.

itutuloy...