Chapter 3

Makalipas ang isang buwan, ang tatlong mga spoiled brat ay nakalampas na sa unang tatlong bahagi ng kanilang paglalakbay. Ngayon, lima na lamang ang natitira. Subalit hindi nila ito masolusyonan. Hindi sila mga dragon, mga dinosaur sila. Walang pakpak. Hindi sila makalilipad patungong isla ng mga Kuneho. Subalit sa harap ng kanilang mga mata, mismong si Baby Bop ang gumawa ng paraan. Nasaksihan nila ang paglaki ng malaki nyang blanky, na naging magyk carpet. Nagumpisa na silang lumipad. Habang nakanta naman ng A Whole New World sa kanilang paglipad, tinanong ni BJ and kapatid nya kung pano nya ito ginawa, tumawa lamang si Barney. At sa mismong pagkakataong iyon ay sumambulat sa kanila ang katotohanan si Baby Bop ay isang (nagma)magandang faerie.

Sa isang dako naman ng mundong kanilang ginagalawan, ay nagluluksa ang buong Bonggang Villa sa pagkawala ng kanilang iniingatang residenteng si Toni. Maliban na lang kina Ping, Carlito, Luisito at Igor, dahil ipinagdiriwang nila ang pagiging isang ganap na kawal ni Igor. Subalit ito din ang dahilan kung bakit sa susunod na linggo ay iiwan na sila ni Igor upang maglakbay papunta sa Kahirian ni Haring Kam Beng, para sa nalalapit na digmaan.
Sa kanyang pagdatal ay sinalubong siya ng isang masigabong palakpakan at ang pagsigaw ng umalohokang si Taj ng 'EEh~GOOh~R!' habang kumakaway-kaway.

Sa isang liblib na kagubatan naman, 50 acres, 63 degrees North of East ng Kahirang Oikous, ay nabubuhay ang mga nilalang na hindi pa naiimagine ng mga people.

No comments:

Post a Comment