Sa hindi naman nalalayong karatig bayan ng Bonggang Villa na isang tuntun kanan lang ang layo, ay mayroong isang maliit na balangay ng mga taong namumuhay sa ilalim ng isang gobyernong namamalakad gamit ang dahas sa kabila ng lahat ng pistang nagaganap duon.
Wag kang maniwala, ang totoo ang sa timog sila ng Bonggang Villa naninirahan. Lampas sa malaking tagaytay sa timog nga ng Bonggang Villa.
Ang kanilang duke naman doon ay isang malayong kamag-anak ng ating namayapang hero na si Toni.
Sa dakong timog-kanluran ng bayang ito, ay nananahan ang isang grupo ng mga barbarong ilustrado. Sa kanilang mga murang edad ay namulat na sila sa katotohanang nagsisinungaling ang lahat ng tao. Agad silang nalungkot sa kaalamang ito ang naging miserable ang kanilang buhay dito.
Hindi nila ma-take ang heaviness at bitterness na taglay ng real life kung kayat hinikayat nila ang kanilang mga sarili upang maniwalang hindi nagsisinungaling ang bawat isa sa kanila, bagaman alam nila ang salungat.
Sa patnubay ng realidad na ito ay itinatag nila ang kanilang mga grupo. Hindi naman nila sinabi ang pangalan. :( *wenx*
Sa tuwing wala ang mga tao ay doon ang kanilang oras ng pagtatagpo. Hindi alam kung paano nila ito nagagawa at kung ano ang kanilang gamit. Basta sa oras na iyon ay nangangaso sila sa mga kakahuyan sa dakong hilaga ng kanilang bayan.
Ngunit anong malay nila na sa kanilang pagtungon sa araw na iyon ay makatatagpo sila ng mga kakaibang nilalang na kitang-kita namang mas angat ang pagkatao sa kanila. Hindi nila ito ma-take kaya nalunod sila sa sarili nilang kapaitan.
Lalo na nang makita nilang mayroon doong faerie...
No comments:
Post a Comment